Gab Valenciano, hinikayat ang COVID-19 survivors na mag-donate ng plasma
“Our plasma can save lives”
Ito ang naging pahayag ni Gab Valenciano para hikayatin ang mga COVID-19 survivor na mag-donate ng plasma.
Sa kaniyang Instagram post, ibinahagi ni Gab ang mga larawan ng pag-donate niya ng plasma sa Philippine Red Cross.
Ibinunyag nito na nagpositibo siya sa nakakahawang sakit noong November 2020 ngunit tanging pamilya at kaibigan lamang ang nakakaalam dahil sa “very personal reasons.”
“I never planned to post about it till today because right now, WE NEED HEROES,” saad sa post ni Gab at aniya pa, “Once you contract the virus and recover from it, you now have antibodies in your blood which gives you the opportunity to be a hero and save lives.”
Bilang mental health ambassador para sa Red Cross Youth, napagdesisyunan aniya niyang itaas ang kamalayan sa convalescent plasma donation.
Ani Gab, “People need to know about this. We can talk about death and recovery numbers and percentages all we want, but a life is a life. If we can save one, we’ve already won.”
Nitong Abril, gumaling na rin ang ina ni Gab na si Angeli matapos magpositibo sa COVID-19 habang hindi naman nahawa si Gary Valenciano.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.