Paniningil ng service fee sa ayuda ng pamahalaan, pinaiimbestigahan

By Erwin Aguilon April 13, 2021 - 06:09 PM

Congress photo

Nais ni Gabriela Rep. Arlene Brosas na maimbestigahan ang paniningil ng service fee sa ayudang ipinamamahagi sa mga benepisyaryo gamit ang digital payouts.

Ayon kay Brosas, P20 hanggang P50 na service fee ang sinisingil sa beneficiaries na kumuha ng ayuda gamit ang digital payouts.

Nais malaman ng mambabatas kung sino ang kumikita sa kinuhang fintech companies para gamitin sa pamamahagi ng ayuda na P1,000 na lamang ay babawasan pa.

Kasabay ito ng pagtuligsa ni Brosas sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa napakabagal na distribusyon ng ayuda na P4,000 sa bawat pamilya o P1,000 sa bawat miyembro na apektado ng ipinatupad na enhanced community quarantine (ECQ).

Nauna nang inamin ng DSWD na nasa 8 porsyento pa lamang ng cash aid ang naibibigay sa mga apektadong pamilya o 1.7 milyon pa lamang sa 22.9 milyong target beneficiaries ang naaabutan ng ayuda.

Giit ni Brosas, hindi na ayuda kundi abuloy na ang tawag dito dahil inabutan na ng panibagong quarantine classification ay hindi pa rin nakakarating sa mamamayan ang tulong.

TAGS: 18th congress, cash aid, digital payouts, ECQ 2021 cash assistance, Inquirer News, Radyo Inquirer news, rep arlene brosas, 18th congress, cash aid, digital payouts, ECQ 2021 cash assistance, Inquirer News, Radyo Inquirer news, rep arlene brosas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.