Bagyo sa labas ng bansa, lalakas pa habang papalapit sa boundary ng PAR

By Angellic Jordan April 13, 2021 - 06:05 PM

DOST PAGASA satellite image

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang Tropical Depression sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon kay PAGASA weather specialist Ariel Rojas, huling namataan ang bagyo sa layong 1,290 kilometers Silangan ng Mindanao dakong 3:00 ng hapon.

Bahagyang lumabas ang bagyo at taglay na ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometers per hour.

Kumikilos ito pa-Kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour.

Base sa forecast track ng weather bureau, inaasahang patuloy pang lalakas ang bagyo habang papalapit sa boundary ng PAR.

Sa susunod na 24 oras, inaasahang magiging tropical storm na ang bagyo; severe tropical storm sa Biyernes (April 16); at aabot sa typhoon category sa Sabado (April 17).

Ayon kay Rojas, maaaring pumasok ang bagyo ng PAR sa Biyernes ng gabi o Sabado ng umaga.

Oras na pumasok sa teritoryo ng bansa, inaasahang kikilos ang bagyo sa direksyong Hilaga Hilagang-Kanluran at bibigyan ng local name na ‘Bising.’

Hindi naman aniya inaasahang tatama sa kalupaan ng bansa ang bagyo.

Samantala, umiiral pa rin ang Easterlies o mainit na hangin galing sa Pacific Ocean sa Luzon at ilang bahagi ng Visayas.

Sinabi pa ng PAGASA na hanggang Martes ng gabi, April 13, ilang lalawigan sa bansa ang posibleng makaranas ng isolated thunderstorms.

Sa araw naman ng Miyerkules, April 14, ang Luzon, Visayas at ilang parte ng Mindanao ay makararanas ng mainit at maalinsangang panahon ngunit maaaring makaranas ng mga panandaliang pag-ulan lalo na sa hapon o gabi.

Dahil naman sa trough ng bagyo, makararanas ang Caraga at Davao region ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat at pagkulog.

TAGS: easterlies, Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, Tropical Depression, weather update April 13, easterlies, Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, Tropical Depression, weather update April 13

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.