Pangulong Duterte, binuweltahan ni Sen. de Lima sa pang-aasar

By Jan Escosio April 13, 2021 - 05:33 PM

Panunumbat ang ibinalik kay Pangulong Rodrigo Duterte ni Senator Leila de Lima sa huling pang-aasar nito sa senadora sa Malakanyang, Lunes ng gabi (April 12).

Buwelta ni de Lima, “Mr. President, maawa ka naman sa taumbayan. Namamatay na mga mahal nila sa buhay ako pa rin ang problema mo?”

“Magtrabaho ka na lang Duterte. Kung nagtrabaho ka lang sana hindi tayo umabot sa ganito. Huwag ka na lang puro ngawngaw,” hirit pa ni de Lima.

Sa kanyang pre-recorded briefing, muling ginawang katawa-tawa ni Pangulong Duterte ang senadora sa patuloy na pagkakakulong nito at muli din niya itong minura at tinawag na ‘bitch.’

Ginawa ito ng Punong Ehekutibo kasunod nang pag-apela naman ni de Lima kay Sen. Christopher Go na tigilan na ang pagtatakip at pagtatanggol sa Pangulo, na aniya ay palpak sa pagharap sa pandemya.

TAGS: Inquirer News, President Duterte on de Lima, Radyo Inquirer news, Sen Leila De Lima, Inquirer News, President Duterte on de Lima, Radyo Inquirer news, Sen Leila De Lima

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.