Muntinlupa City, BuCor officials mag-uusap sa isyu ng isinarang kalsada sa Bilibid
Mamamagitan at susubukan ni Justice Secretary Menardo Guevarra na maplantsa ang gusot sa pagitan ng mga lokal na opisyal ng Muntinlupa City at Bureau of Corrections (BuCor) na nalikha nang pagpapasara ng kalsada sa loob ng Bilibid Complex.
Ayon kay Guevarra, ang pulong ay ikakasa sa pamamagitan ng ‘zoom’ sa darating na Biyernes, Abril 16.
Nabatid na kasama rin sa pulong ang National Housing Authority (NHA).
Magugunitang pinalagan nang husto nina Mayor Jaime Fresnedi at Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon ang paglalagay ng bakod ng BuCor sa Insular Prison Road dahil nasaraduhan ang paglabas at papasok ng Southville 3 sa Barangay Poblacion.
Walang pormal na koordinasyon ang BuCor sa LGU maliban sa sulat na ipinadala sa punong barangay.
Iginiit naman ng BuCor na ‘security reason’ ang dahilan ng kanilang naging hakbang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.