Natulongan bridge sa Kibawe, Bukidnon bukas na sa mga motorista
Inanunsiyo ni Public Works and Secretary Mark Villar ang pagtatapos ng konstruksyon at pagbubukas ng bagong 2-lane Natulongan Bridge sa Kibawe, Bukidnon.
Isinagawa ang 134.9-lineal meter bridge sa Pulangi River sa bahagi ng Sitio Kikipot, Talahiron.
Ang nasabing tulay ang magkokonekta sa Barangay Talahiron at Barangay Magsaysay sa naturang bayan.
Aabot sa P61 milyon ang inilaang pondo ng DPWH Bukidnon 2nd District Engineering Office (DEO).
“This project will significantly provide a comfortable, convenient, and safe access to and from the town for basic necessities,” pahayag ng kalihim.
Dagdag pa nito, makatutulong ang proyekto para mapalakas pa ang economic activities at madagdagan ang productivity at income growth ng mga magsasaka sa nasabing bayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.