Ayon kay Zarate, lahat ng mga hog raiser ay tutol sa EO 128 ni Pangulong Rodrigo Duterte pero itinuloy pa rin ito dahil sabi ng Palasyo, ito ay bilang pagtugon sa epekto ng African Swine fever o ASF.
Nagtataka ang mambabatas kung bakit palaging ang “default reaction” ang administrasyon lalo na ang Department of Agriculture ay ang importasyon sa halip na tulungang paunlarin ang mga lokal na magbababoy at magsasaka o ang sektor ng agrikultura sa bansa.
Banat ni Zarate, ang Pilipinas na nga ang pinakamalaking importer ng bigas, at pati ba naman aniya ng baboy at manok ay ang Pilipinas pa rin ang mangunguna.
Babaha rin aniya ng mga frozen pork sa Pilipinas ngunit hindi naman nito matitiyak na bababa rin ang presyo sa merkado.
Dagdag ni Zarate, libu-libong Pilipino na naka-depende sa pork industry ay posibleng mawalan ng kabuhayan dahil sa malaking epekto o pagsasara ng ilang mga producer na hindi na maka-agapay sa MAV expansion at pagpapababa sa taripa.