Higit 900 pang overseas Filipinos, naka-recover na sa COVID-19
May 889 na bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang April 13, nasa 18,001 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 91 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 5,850 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
913 naman ang bagong gumaling kung kaya 11,038 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
May 30 namang bagong napaulat na nasawi.
Dahil dito, 1,113 na ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 10,420 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 3,299 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 915 naman ang kaso sa Americas at 3,367 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.