Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Martes (April 13), pumalo na sa 884,783 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 165,534 o 18.7 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 8,571 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
96.9 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 1.8 porsyento ang asymptomatic; 0.31 porsyento ang moderate; 0.5 porsyento ang severe habang 0.4 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 137 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 15,286 o 1.73 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 400 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 703,963 o 79.6 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.