Bilang ng mag-aaral na rehistrado na para sa SY 2021-2022, higit 2.6-M na

By Angellic Jordan April 13, 2021 - 03:14 PM

Patuloy pa rin ang early registration para sa School Year 2021-2022.

Sa datos ng Department of Education (DepEd) hanggang 6:28, Lunes ng gabi (April 12), umabot na sa 2,686,834 na mag-aaral ang nakapagparehistro na sa buong bansa.

Sakop nito ang ilang estudyante sa Kindergarten, Grade 1, Grade 7 at Grade 11.

Lumabas din sa datos na naitala ang pinakamataas na bilang ng rehistradong mag-aaral sa Calabarzon na may 290,464; sumunod ang Region 6 na may 216,237; at Region 3 na may 203,041.

Magiging bukas ang early registration hanggang April 30, 2021.

TAGS: deped, early registration, Inquirer News, Radyo Inquirer news, SY. 2021-2022, deped, early registration, Inquirer News, Radyo Inquirer news, SY. 2021-2022

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.