Special Risk Allowance ng health workers, dapat nang ipagkaloob ng gobyerno
Kinalampag ni Ang Probinsyano Rep. Ronnie Ong sa pamahalaan upang aksyunan na ang mga hinaing ng healthcare workers sa bansa na patuloy na nahaharap sa laban ng bansa sa COVID-19.
Ayon kay Ong, partikular na kanyang idinudulog sa gobyerno lalo na sa Inter-Agency Task Force o IATF ay ang kabiguang maibigay sa healthcare workers ang “special risk allowance” o SRA.
Sinabi ni Ong na maraming reklamo na sobrang delayed na o naantala ang pagkakaloob ng SRA.
Aniya, may COVID-19 facilities ang “undermanned” o kulang na sa medical workers dahil “demoralized” o demoralisado ang health care professionals.
Kailangan aniyang suklian ang sakripisyo ng mga doktor, nurses at iba pang medical frontliners sa pamamagitan ng maayos at hindi naaantalang pagbibigay ng nararapat na tulong.
Ang SRA, maging ang hazard pay para sa health frontliners ay nasa ilalim ng Bayanihan 2 Law, pero batay sa iba’t ibang grupo ng healthcare workers ay hindi pa rin ito naibibigay sa kanila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.