COVID-19 recoveries sa hanay ng PNP, nasa 15,200 na

Aabot sa 235 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Lunes ng gabi (April 12), 17,637 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 2,391 ang aktibo pang kaso.

272 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 15,200 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

May dalawa namang napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 46 na ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...