Global death toll bunsod ng COVID-19, higit 2.95 milyon na

Lagpas 2.95 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 2,959,324 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 576,298.

Sumunod na rito ang Brazil na may 355,031 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 209,702 naman ang death toll sa Mexico habang 171,089 ang napaulat na nasawi sa India.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 127,100
– Italy – 114,612
– Russia – 103,263
– France – 99,135
– Germany – 79,110
– Spain – 76,525
– Colombia – 66,156
– Iran – 64,764

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 137,278,679 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 110,472,478 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...