Dating Pangulong Joseph Estrada negatibo na sa COVID-19

By Chona Yu April 13, 2021 - 11:57 AM

(Courtesy: former Senator Jinggoy Estrada’s Facebook)

Negatibo na sa COVID-19 si dating Pangulong Joseph Estrada.

Sa Facebook post ni dating Senador Jinggoy Estrada, masayang inanunsyo na unti-unti nang gumaganda ang lagay ng kalusugan ng kanyang ama.

Ayon sa nakababatang Estrada, maaring mailipat na sa regular room ang dating Pangulo na dati ay nasa intensive care unit (ICU).

“We are happy to announce that my Dad continues to improve and we expect that he can be transferred to a regular room soon,” pahayag ng dating Senador.

“His repeat RT-PCR (swab test) is now negative!” dagdag ni dating Senador Estrada.

Gayunman, sinabi ni Estrada na kailangan pa ring nasa high flow oxygen support ang dating Pangulo.

Pinayagan na rin aniya ng mga doktor ang dating Pangulo na ituloy ang soft diet.

“Mentally, he is oriented, comversing normally and appears to be in good spirits,” pahayag ni Estrada.

Nagpapasalamat ang dating Senador sa mga nanalangin para sa agarang paggaling ng kanyang ama.

 

 

TAGS: COVID-19, Jinggoy Estrada, joseph estrada, negatibo, COVID-19, Jinggoy Estrada, joseph estrada, negatibo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.