Mag-isa nang nanguna si Senator Bongbong Marcos at kumalas na ito sa pagiging tabla kay Senator Chiz Escudero sa bagong Abs-cbn commissioned Pulse Asia vice presidential survey.
Nakuha ni Marcos ang 28 percent, tatlong percentage point na mataas sa dating survey.
Sumunod si Rep. Leni Robredo na may 22 percent, mataas ng one point sa dati nitong nakuha para maging statistically tied kay Senator Chiz Escudero na may 21 percent, apat na puntos na mababa sa dating nitong numero.
Samantala, nakakuha si Senator Alan Peter Cayetano ng 15 percent habang walang pagbabago sa numero nina Senators Gringo Honasan na may five percent at Antonio Trillanes IV na may four percent.
Nanguna si Marcos sa National Capital Region (NCR) habang si Robredo ang top choice sa Visayas at si Cayetano ang lamang sa Mindanao.
Ginawa ang survey mula March 29 hanggang April 3 kung kailan nagkagulo ang mga magsasaka sa Kidapawan City, nawalan ng kuryente sa NAIA at ang pag-hack sa Comelec website.