Karagdagang limang vaccination sites bubuksan sa Makati City
Inanunsiyo ni Makati City Mayor Abby Binay na magbubukas pa ang pamahalaang-lungsod ng karagdagang limang vaccination sites.
Ito aniya ay para sa libo-libong senior citizens ng lungsod na nagpa-rehistro para sa libreng COVID-19 vaccine.
Sinabi nito na natapos na ang paglalagay ng mga kinakailangan kagamitan at materyales sa mga bubuksang pasilidad sa covered courts ng Bel-Air, Forbes Park, San Lorenzo, Urdaneta at Asia-Pacific College sa Barangay Magallanes.
Ginawa nila, ayon kay Binay, ang paghahanda dahil sa inaasahang pagdating ng mga karagdagang bakuna mula sa gobyerno.
Una nang nagpadala ang Makati Health Department ng tatlong vaccination team sa bawat barangay sa lungsod para sa pagpapabakuna ng mga nakakatanda.
Isa pang vaccination site ang bubuksan para sa mga senior sa Fort Bonifacio Elementary School sa Barangay West Rembo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.