Pondo para sa Bayanihan 3 gagawing ‘deficit neutral’

By Erwin Aguilon April 13, 2021 - 08:27 AM

Hinahanapan ng pondo ng Department of Finance ang panukalang P370B Bayanihan Law 3.

Ayon kay House Committee on Ways and Means Chairman at Albay Representative Joey Salceda, nais ng Kamara at DOF na gawing “deficit neutral” ang pagpondo sa Bayanihan 3.

Ang nasabing panukala ay maglalaman ng “lifeline measures” para sa muling pagbangon ng  ekonomiya ng bansa.

Sabi ni Salceda, isa sa mga nakikita nilang posibleng gawin  ay  pansamantalang taasan ang mandatory dividend remittance ng mga government owned and controlled corporations (GOCCs) mula 50% hanggang 70%.

Gayunman, kailangan aniya na ma-amyendahan muna ang Dividends Law.

Paliwanag ng ekonomistang mambabatas, kapag naisakatuparan ito ay aabot ng hanggang P70 billion ang malilikom na pondo.

Bukod dito, sinabi ng kongresista na maari ring gumawa ng capital withdrawals ang DOF mula sa mga tinatawag na “obese” GOCCs.

Maari din aniyang aprubahan ang panukalang batas na magpapataw ng buwis sa online sabong, at Philippine Offshore Gaming Operations.

 

TAGS: Bayanihan 3, deficit neutral, Department of Finance, GOCC, mandatory dividend remittance, Bayanihan 3, deficit neutral, Department of Finance, GOCC, mandatory dividend remittance

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.