Higit 15,000 empleyado nawalan ng trabaho sa two-week Lenten ECQ sa Metro Manila
Nawalan ng pinagkakakitaan ang higit 15,000 manggagawa sa Metro Manila nang umiral ang dalawang linggong enhanced community quarantine (ECQ) simula noong Marso 29 hanggang Abril 11.
Sa inilabas na job displacement monitoring report ng DOLE, kabuuang 15,246 ang nawalan ng trabaho, pinakamalaki sa buong bansa.
Ang mga ito ay nagmula sa 847 establisyemento at 69 sa mga ito ay tuluyan na ang pagsasara at ang iba ay nagbawas o nagtanggal ng empleyado.
Sa nasabi din panahon. 26,114 mula sa 1,567 establisyemento ang nawalan ng trabaho at 11 porsisyento o 169 sa mga negosyo ang permanente nang nagsara.
Ibinase ang datos sa nakalap na notices of shutdown and retrenchment na isinumite sa kagawaran.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.