May naisip pang diskarte ang mga senador para mabawasan ang aangkatin na produktong karne ng baboy na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon malinaw na ‘palusot’ ang Executive Order 128 dahil isinumite sa Malakanyang ang rekomendasyon sa araw mismo nang pagsasara ng sesyon ng Kongreso.
Inilabas naman ng Malakanyang ang EO 128 noong nakaraang linggo.
Paliwanag ni Drilon maaring magpasa ng panukala ang Senado at Kamara para mabawasan ang pork importation sa pagbabalik ng sesyon ng Kongreso sa Mayo 17.
Sinabi naman ni Senador Panfilo Lacson na wala rin ginawang konsultasyon ang Malakanyang sa Kongreso ukol sa isyu.
Sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole, ilang senador ang sinabi na dapat bawiin ang naturang kautusan dahil papatayin nito ang lokal na industriya ng pagbababoy.