Pangulong Duterte sa mga nagdadasal sa kanyang kamatayan: Pray harder!

By Chona Yu April 13, 2021 - 06:50 AM

PCOO photo

Pray harder!

Ito ang bwelta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga kritiko na naghahangad na mamatay na siya ng maaga matapos hindi makita sa nakalipas na dalawang linggo at walang anunsyo sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa regular “Talk to the People,” sinabi ng Pangulo na nasa Malakanyang lamang siya.

“You want me to… If you want me to die early, you must pray harder. Actually what you intend or what you would like to happen is to see me go. You want me to go and you are praying for that. Tawag niyan sa Bisaya… Sa ka-Tagalog-Tagalog ko dito nakalimutan ko na ‘yong mga Bisaya, “manungo” (curse). Iyang manungo is “mamatay ka sana.” Iyan ang sa Bisaya manungo,” pahayag ng Pangulo.

Ayon sa Pangulo, sinadya niyang hindi magpakita sa publiko.

“Noong nawala ako ng ilang araw, talagang sinadya ko ‘yon, ganoon ako eh. Pagka kinakalkal mo ako lalo akong — ‘yong parang bata. Pagka lalo mo akong kinakantyawan eh mas lalo akong gagana,” pahayag ng Pangulo.

Sinabi pa ng Pangulo na wala siyang sakit para hindi gamitin ang lahat kanyang kapangyarihan bilang punong ehekutibo ng bansa.

“Now kung sabihin mo may sakit ako, may sakit ako. Pero kung sabihin mo may sakit ako ngayon that would prevent me from exercising the powers of the presidency, wala ho,” pahayag ng Pangulo.

Nagpaliwanag din ang Pangulo sa pagjo-jogging, goldf at pagsakay ng motorsiklo ng madaling araw.Partikular na pinuntirya ng Pangulo sina Philippine special envoy to China Mon Tulfo at Senador Leila de Lima na kinuwestyun ang kanyang mga hobby.

“Kaya ako nagmo — kaya ako nakaka-swing ng golf, tapos nagmomotor eh kasi kaya ko pa. Now the problem is you should look into the time I enjoy my hobbies. Mon, gabi ‘yon alas dos ng madaling araw. Ano ba naman? Hindi, sa araw makita mo ako naggo-golf sabihin mo… Lalo na ito si De Lima, sinasabi nang naggo-golf kasi may problema. Eh kung mag-golf naman ako ng gabi, hatinggabi, eh umaalma na naman bakit ako nag-golf? Anak ng p***. Saan pa — ? Kailan pa ba ako?” pahayag ng Pangulo.

Iginiit pa ng Pangulo na hindi naman niya ginamit ang oras ng taong bayan nang mag motorsiklo at mag jogging ng alas dos ng madaling araw.

“Gusto kong magmotor tutal gabi naman. Kailangan lang ako ng dalawang pulis sa likod ko para walang mag-overtake-overtake at least maiwasan. That’s all I need. I just want to ride. Hindi naman masama ‘yang… And to ride at 2 o’clock in the morning, that is not taking the people’s time,” pahayag ng Pangulo.

Sinabi pa ng Pangulo na noon pa man, hatinggabi na siya nagsisimula sa kanyang trabaho dahil sa insomnia.

“Ako I have told you that I am good 1 o’clock downwards towards — ‘yan man. Alam ko kinakantyawan ako ni Mon Tulfo nito. Eh I cannot be sabihin mo na itong isa, “Nasaan ang Presidente? You know baka patay na.” Eh sabihin ko sana na, “Eh nandito lang ako sa Malacañan natutulog ako mag-isa. Ikaw sino ang kasama mo sa kama? Ikaw ba ang may-ari niyan?” pahayag ng Pangulo.

 

TAGS: COVID-19, Golf, jogging, motor, Pray harder, Rodrigo Duterte, COVID-19, Golf, jogging, motor, Pray harder, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.