Nagsagawa ng inspeksyon sina Quezon City Mayor Joy Belmonte sa Hope 7 Camia Residence Hall, araw ng Lunes (April 12).
Kasama ng alkalde sa inspeksyon sina dating Health Secretary Paulyn Ubial, Dr. Michael Tee, HOPE facility overall coordinator Dr. Amie Guzon, QCDRRMO Logistics Head Cindy Garcia, at ilang Red Cross volunteers.
Ang dagdag na community care facility ay mayroong 220 bed-capacity na ilalaan para sa mga asymptomatic at mild COVID-19 patients sa lungsod.
Magkatuwang ang Quezon City government at Philippine Red Cross sa pagsasaayos ng mga kagamitan sa naturang pasilidad.
Inaasahang bubuksan ang bagong pasilidad ngayong linggo.
Samantala, nakahanda na rin ang HOPE 8 Residences na magamit na simula sa araw ng Martes, April 13.
Mayroon naman itong 80-bed capacity.
Katuwang ng QC LGU sa pagsasaayos sa nasabing pasilidad ang Philippine Red Cross at Ateneo de Manila University.