Duterte sa dalawang linggong pagkawala: “Sinadya ko ‘yun”

By Angellic Jordan April 12, 2021 - 10:44 PM

PCOO photo

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na sinadya niya ang two-week absence sa publiko.

“Noong nawala akong ng ilang araw, talagang sinadya ko ‘yun. Ganun ako e. Pagka-kinakalkal mo ako, lalo akong.. parang bata. ‘Pag lalo mo akong kinakantyawan, lalo akong gagana,” pahayag ng Pangulo sa kaniyang public address, Lunes ng gabi (April 12).

Alam aniya ng publiko na residente siya ng Davao City.

“Sinabi ko.. my residence is the City of Davao and if I want to go home ther on reasonable basis, I can because that is my home,” diin ng Pangulo at dagdag pa nito, “Tutal ang pamasahe ko hindi naman sa gobyerno so I can go home just to be there and come back the following day.”

Kasunod ng two-week absence, kumalat din ang mga ispekulasyon ukol sa kalusugan ng Punong Ehekutibo.

Patutsada ng Pangulo, “If you want me to die early, you must pray harder. Actually, what you intend or what you would like to happen is to see me go. You want me to go and you are praying for that.”

Matatandaang ang huling public appearance ng Pangulo ay noon pang March 29 kung saan personal nitong sinalubong ang pagdating ng isang milyong doses ng Sinovac vaccines sa Villamor Air Base sa Pasay City.

TAGS: Duterte health, Duterte public address, Duterte statement, Inquirer News, President Duterte health, Radyo Inquirer news, Duterte health, Duterte public address, Duterte statement, Inquirer News, President Duterte health, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.