65 porsyento ng Pinoy, sinabing ‘public matter’ ang kalusugan ni Pangulong Duterte

Mayorya ng mga Filipino ang itinuturing bilang ‘public matter’ ang kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte, base sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).

Lumabas sa datos ng survey na 65 porsyento ang nagsabing ‘public matter’ ang kalusugan ng Pangulo kung kaya’t dapat itong ipaalam sa mamamayan ukol dito habang 32 porsyento naman ang nagsabing ‘private matter.’

Mas mataas ng apat na puntos ang naitalang bagong datos kumpara noong December 2019 at September 2018 na may 61 porsyento.

Pinakamaraming bumoto na ‘public matter’ ang kalusugan ng Punong Ehekutibo sa Visayas na may 69 porsyento, sumunod ang Metro Manila na may 65 porsyento at Balance Luzon na may 64 porsyento.

Isinagawa ang SWS September 17 hanggang 20, 2021 National Mobile Phone Survey sa pamamagitan ng mobile phone at computer-assisted telephone interviewing sa 1,249 Filipinos na may edad 18 pataas sa buong bansa.

Read more...