Philrem,nakarehistro sa BIR bilang transport group ayon kay BIR Commissioner Kim Henares

Salud PhilremNakangiting dumating ng Senado si Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares para dumalo sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee hingil sa 81 million dollar money laundering scam.

Sa ambush interview sinabi ni Henares na lahat ng mga nasasangkot sa nasabing usapin ay kanilang tinitignan kung nakakabayad ng tamang buwis.

Ayon pa kay Henares na tinitignan na rin nila ang mga record ng mga taong nababanggit sa pagdinig.

Ibinulgar din ni Henares na simula 2005 hindi nag uupdate ng kanilang registration ang Philrem ang remittance company na dinaanan ng 80 milyon dollar na ninakaw sa Bangladesh bank bilang transport services.

Lumalabas din sa record ng BIR na ang Phlirem hindi nakarehistro bilang bank financial institution pero simula’t sapul ay nag ooperate bilang remittance & foreign exchange company. Sa halip Ito ay rehistrado bilang transport organization.

Dahil dito posibleng magbayad umano milyon-milyong piso ang Philrem dahil sa maling registration nito at pagmumutahin din ang Philrem dahil sa hindi pag-uupdate ng kanilang registration.

 

Read more...