Sports developments, nalilimitahan, ayon kay senatorial candidate Francis Tolentino

By Jan Escosio April 12, 2016 - 12:10 PM

Photo Release
Photo Release

Nababahala si senatorial candidate Francis Tolentino na naaapektuhan na ang sports development program sa mga kabataan dahil sa kinakapos na ang mga open spaces.

Pinansin nito na ang mga bakanteng espasyo sa mga pampublikong paaralan ay tinatayuan na ng mga classrooms.

Aniya dapat maging maluwag muli ang mga paaralan para mahikayat ang mga estudyante na maging aktibo sa ibat ibang sports activities.

Ipinunto din nito na delikado din ang kakulangan ng open spaces tuwing may emergency situation dahil ang mga ito ang dapat na itinatalagang evacuation areas.

Kasabay nito ang pagpapahayag niya ng panghihinayang kung matutuloy ang pagbebenta ng Rizal sports complex.

Sinabi ni Tolentino na kakaunti na lang ang mga malalaking sports venues sa bansa, sabay dagdag na makasaysayan ang Rizal Sports Complex dahil marami nang naidaos na international events dito.

TAGS: open spaces, sports, sports development, Tolentino, open spaces, sports, sports development, Tolentino

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.