Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang isang low pressure area sa labas ng Philippine Area of Responsibility o PAR.
Ayon kay PAGASA weather specialist Chris Perez, huling namataan ang LPA sa layong 1,635 kilometers Silangan ng Mindanao bandang 3:00 ng hapon.
Wala pa aniyang direktang epekto ang LPA sa anumang bahagi ng bansa.
Ngunit, ang eastern seaboard ng Mindanao ay maaari nang makaranas ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan at katamtamang pag-alon bunsod ng trough ng LPA simula sa Martes, April 13.
Posible aniyang sa susunod na 24 hanggang 36 oras, lumakas pa ito at maging ganap nang bagyo.
Ayon pa kay Perez, maaaring dumikit o pumasok ng teritoryo ng bansa ang sama ng panahon sa araw ng Sabado o Linggo.
Samantala, patuloy pa rin nakakaapekto ang Easterlies sa malaking bahagi ng bansa.
Magdudulot pa rin ito ng mainit at maalinsangang panahon sa nakararaming lugar sa bansa.
Ani Perez, mas mataas ang tsansa na makaranas ng mga panandaliang pag-ulan sa mga Silangang bahagi ng bansa dulot naman ng localized thunderstorms.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.