Bilang ng nabakunahan laban sa COVID-19 sa Pilipinas, higit 1-M na

Taguig City government photo

Lagpas isang milyon na ang bilang ng mga nabigyan ng bakuna kontra sa COVID-19, ayon sa Palasyo ng Malakanyang.

Sa press briefing, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na sa datos hanggang 6:00, Linggo ng gabi (April 11), umabot na sa 1,139,644 ang kabuuang bilang ng COVID-19 vaccine doses na nabigay sa bansa.

Sa nasabing bilang, 1,007,356 indibiduwal ang naturukan ng first dose habang 132,288 naman ang nabigyan ng second dose.

Base rin sa 1,139,644 total doses administered, 965,169 ang naibigay sa A1 health frontliners.

Ani Roque, karamihan rito ay naibigay sa Metro Manila.

Linggo ng hapon, April 11, dumating sa bansa ang karagdagang 500,000 doses ng bakunang gawa ng Sinovac.

Read more...