13 pang overseas Filipinos, nagpositibo sa COVID-19

May 13 na bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang April 9, nasa 17,112 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 91 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 5,904 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Tatlo naman ang bagong gumaling kung kaya 10,125 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Wala namang bagong napaulat na nasawi.

Dahil dito, 1,083 pa rin ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 9,546 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 3,299 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 915 naman ang kaso sa Americas at 3,352 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

Read more...