Ex Mayor ng Benguet ipinakukulong ng Sandiganbayan sa kasong malversation of public funds

sandiganbayan-0704Hinatulan ng Sandiganbayan ng sampu hanggang labing walong taong pagkakakulong ang dating alkalde ng Bayan ng Bakun sa lalawigan ng Benguet dahil sa kasong Malversation of public funds.

Nag-ugat ang asunto sa pag-isyu umano ni Dating Bakun Mayor Bartolome Sacla Sr.ng tseke na nagkakahalaga ng limang milyung piso nang walang kaukulang supporting documents.

Maliban Kay Sacla Sr., hinatulan din ng kahalintulad na parusa ang municipal treasurer na si Manuel Bagayao.

Hindi na rin sila pinapayagan na manungkulan ng anumang posisyon sa gobyerno at inatasan na magmulta ang bawat isa sa kanilang ng tig-limang milyung piso.

Idenipensa naman ni Sacla na inisyu nya ang tseke bilang pambayad sa medical supplies,subalit wala naman siyang maipakitang katibayan.

Paliwanag ng Anti-graft Court, nangyayari ang Malversation of public funds kapag ang pondo ng gobyerno ay ginamit ng hindi tama, o kinunsinte, inabandona at pinabayaan ang sinuman sa paggamit ng naturang pondo ng publiko.

Read more...