Ilang barangay sa Mandaluyong, San Juan, Pasig at Quezon City makararanas ng water service interruption
Magkakaroon ng water service interruption sa ilang lungsod sa Metro Manila.
“Due to difficult conditions on the site of Manila Water’s damaged mainline at EDSA/Boni Ave. northbound, service interruption to thousands of customers will be extended,” ayon sa Manila Water.
Simula 5:00, Lunes ng hapon (April 12), ilang barangay sa Mandaluyong, San Juan, Pasig at Quezon City ang pansamantalang mawawalan ng tubig hanggang 4:00, Martes ng madaling-araw (April 13).
Ito ay upang makumpleto ng kumpanya ang permanent leak repair.
Narito ang mga maaapektuhang barangay:
Mandaluyong (16 barangay):
– Highway Hills
– Barangak Ilaya
– Barangka Itaas
– Malamig
– Addition Hills
– Greenhills
– Wack-Wack
– East Greenhills
– Mauway
– Barangka Drive
– Barangka Ibaba
– Pleasant Hills
– Plainview
– Hulo
– Hagdang Bato Itaas
– Hagdang Bato Libis
– San Jose
San Juan City (11 barangay):
– Corazon de Jesus
– West Crame
– Pasadena
– Onse
– Halo-Halo (St. Joseph)
– Maytunas
– Santa Lucia
– St. Joseph
– Isabelita
– Little Baguio
– Valencia
Quezon City (6 barangay):
– Kaunlaran
– San Martin de Porres
– Bagong Lipunan ng Crame
– Pinagkaisahan
– Horseshoe
– Immaculate Concepcion
Pasig City (1 barangay):
– Oranbo
Hinikayat naman ang mga residente sa mga nabanggit na barangay na mag-imbak na ng sapat na tubig para sa kanilang pangangailangan sa gitna ng water service interruption schedule.
Makatutulong din anila ito upang maiwasan ang siksikan ng mga tao sa water tankers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.