Rollback sa mga produktong petrolyo, epektibo na bukas (April 13)

By Angellic Jordan April 12, 2021 - 02:34 PM

Abiso sa mga motorista.

Magpapatupad ng pagbawas sa presyo sa ilang produktong petrolyo.

Ito ay dahil sa paggalaw ng presyo sa international market.

Batay sa anunsiyo ng Caltex, Cleanfuel, Petro Gazz, Seaoil at Shell, may tapyas na P0.25 sa kada litro ng gasolina habang walang pagbabago sa presyo ng diesel.

May bawas namang P0.10 sa bawat lito ng kerosene ng Caltex, Seaoil at Shell.

Magiging epektibo ang oil price adjustment ng Petro Gazz, Shell, at Seaoil bandang 6:00, Martes ng umaga (April 13).

Dakong 8:01, Martes ng umaga naman magsisimulang mabago ang presyo ng mga produktong petrolyo ng Cleanfuel.

Mauuna namang ipatupad ang oil price rollback sa Caltex bandang 12:01, Martes ng madaling-araw.

Asahang mag-aanunsiyo na rin ang iba pang oil companies ng kanilang oil price adjustment.

TAGS: diesel price, gasoline price, Inquirer News, kerosene price, oil price April 13, oil price rollback, oil price watch, Radyo Inquirer news, diesel price, gasoline price, Inquirer News, kerosene price, oil price April 13, oil price rollback, oil price watch, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.