Higit 249,000 COVID-19 Food Security Program food boxes, naipamahagi na sa mga Manilenyo ngayong Abril
“Walang magugutom sa Maynila.”
Iyan ang pahayag ni Mayor Isko Moreno simula nang ilunsad ang COVID-19 Food Security Program (FSP) ng LGU Manila noong Pebrero ng taong 2021.
Kaya naman kahit araw ng Linggo, April 12, ay puspusan ang distribusyon ng COVID-19 FSP food boxes sa ikatlong buwan ng programa.
Ayon sa huling tala ng Pamahalaang Lungsod, umabot na sa mahigit 249,000 food boxes ang naipamahagi sa 283 barangay sa District 1 hanggang 3 ng lungsod.
Ito’y sa loob lamang ng apat na araw na pamamahagi nito.
Ang Food Security Program ng Lungsod ng Maynila ay isa lamang sa mga programa ng lokal na pamahalaan na layong maibsan ang gutom ng bawat pamilyang Manileño sa gitna ng pandemya.
Sa ilalim ng COVID-19 FSP, buwan-buwang makatatanggap ng food boxes mula sa LGU Manila ang 700,000 na pamilya sa lungsod.
Bawat food box ay may laman na tatlong kilo ng bigas, 16 na piraso ng de lata, at walong sachet ng kape.
Magpapatuloy naman ang distribusyon ng food boxes sa District 3 sa araw ng Lunes, April 13.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.