Pamunuan ng Quiapo Church may paalala sa mga botante

By Erwin Aguilon April 12, 2016 - 10:54 AM

quiapo-church-298x224 (1)
Inquirer File Photo

Ilang linggo bago ang eleksyon sa Mayo 9, nagpaalala ngayon ang pamunuan ng Quiapo Church sa lahat ng botante.

Ayon kay Father Frank Villanueva, resident parish priest ng Quiapo Church, walang ibang dapat sisihin sa oras na wala na namang maramdamang pagbabago sa bansa matapos ang halalan sa Mayo kundi ang taong bayan.

Aniya, kilala naman na ng mga tao kung sino ang kurap at kung sino ang magnanakaw ngunit paulit- ulit paring binibigyan ng pwesto sa gobyerno.

Panawagan ni Father Villanueva sa publiko, panahon na para makaramdam naman ng pagbabago ang Pilipinas, dahil sa oras na mali ang maihahalal na bagong leader ng bansa, kawawa na naman ang taong bayan.

TAGS: may9elections, Quiapo Church, may9elections, Quiapo Church

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.