Tutol si Senator Sherwin Gatchalian na mga ipinalulutang na ‘academic break’ sa buong bansa.
Katuwiran nito lubha ng apektado ang mga mahihirap na estudyante at naniniwala siya na kapag natuloy ang balak, mapapag-iwanan ang mga ito sa pag-aaral.
Bukod pa dito aniya ang iba pang maaring maging epekto tulad ng kawalan ng gana sa pag-aaral at ang posibleng pagiging biktima ng karahasan ng mga mag-aaral.
“I don’t agree with the call to implement a nationwide academic break. Iba-iba naman ang quarantine qualification at may mga lugar na walang lockdown. Mahirap naman pong mag-academic freeze sa isang lugar na walang kaso ng COVID-19. Kaya hindi pwede itong academic freeze para sa pangkalahatan dahil iba-iba ang sitwasyon,” sabi ng senador.
Dagdag pa ng namumuno sa Senate Committee on Basic Education may mga lugar na umiiral ang general community quarantine (GCQ) o maging modified GCQ, kung saan nagpapatuloy ang pagkasa ng blended learning system.
Ilang paaralan na ang nagsuspindi ng kanilang mga klase dahil sa patuloy na pagdami ng mga bagong kaso ng COVID 19.