Food and Drug Administration maglalabas ng bagong polisiya sa pagturok ng AstraZeneca vaccine

Inaasahan na anuman araw ngayon linggo ay maglalabas ang Food and Drug Administration (FDA) ng bagong ‘guidance’ kaugnay sa paggamit sa bansa ng AstraZeneca vaccine.

Ayon kay FDA Dir. Gen. Eric Domingo nagsagawa na ng emergency meeting ang National Adverse Events Following Imunization Committee at handa na ang Vaccine Expert Panel sa kanilang rekomendasyon.

Aniya maging ang World Health Organization (WHO) ay may ipinadalang rekomendasyon at ito ay ikukunsidera.

Pagliinaw din ni Domingo na hindi naman ihihinto ang pagtuturok ng AstraZeneca at aniya ang ilalabas nab agog guideline ay para lang mas mapakinabangan ng husto ang bakuna.

Noong nakaraang linggo, base sa rekomendasyon ng FDA, ipinahinto muna ng DOH ang pagtuturok ng AstraaZeneca  sa mga may edad 60 pababa dahil sa mga ulat sa  ibang bansa na ilan sa mga nabakunahan ay nakaranas ng ‘blood clots with low platelets.

Read more...