‘Low-pressure’ binabantayan ng PAGASA, posibleng maging bagyo

By Jan Escosio April 12, 2021 - 09:07 AM

PAGASA PHOTO

Nakatutok na ang PAGASA sa isang low-pressure area na nasa labas pa naman ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ngunit ang sinabing sama ng panahon ay maaring maging ganap na bagyo sa susunod na tatlong araw.

Huling namataan ang low-pressure area sa distansiyang 1,845 kilometro silangan ng Mindanao.

Paglilinaw agad ni weather specialist Meno Mendoza na hindi pa nito maapektuhan ang anumang bahagi ng bansa.

Mananatili aniya na magiging maganda ang panahon sa kabuuan ng Luzon at Visayas dahil sa mainit na hangin na nagmumula sa Pacific Ocean.

May posibilidad din na magkaroon ng manaka-nakang pag-ulan sa hapon lalo na sa bahagi ng Mindanao.

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.