Ito ang iginiit ni Leyte Rep. Martin Romualdez kasunod ng sampung oras na bakbakan ng tropa ng militar at ASG sa Basilan na ikinasawi ng hindi bababa sa labing walong sundalo at ikinasugat ng mahigit limampung iba pa.
Ayon kay Romualdez, hindi makakamit ang tunay na kapayapaan sa Mindanao kung hindi matutuldukan ang pamamayagpag ng ASG sa rehiyon.
Sinabi ng Kongresista na mahigit dalawang dekada na ang nakalilipas mula nang maghasik ang ASG, pero hanggang ngayon ay patuloy pa rin silang banta sa national security.
Bukod dito, tinatarget din nila ang mga banyaga, kaya hindi maiwasang pinaiiwasan ng kani-kanilang bansa na tumuntong sa Mindanao.
Kung ikakasa naman ng gobyerno ng all-out war, ipinaalala ng Mambabatas na kailangan ding maituloy ang pakikipagkasundo sa MILF at magkaroon ng katanggap tanggap na political arrangement para sa mga rebelde na sakop ng ARMM.
Kasabay nito, hinimok ni Romualdez ang pamahalaan na magpatupad ng socio-development programs sa Mindanao, partikular sa Basilan at Sulu, na kapwa mahirap na mga lalawigan at kilalang kuta ng ASG.