All-out war laban sa ASG, pinalulunsad na sa pamahalaan

By Isa Avendaño-Umali April 12, 2016 - 10:13 AM

military-070815Dapat nang maglunsad ng all-out war ang militar laban sa bandidong Abu Sayyaf Group, upang mabigyan ng hustisya ang maraming biktima nito, kanilang na ang mga sundalo.

Ito ang iginiit ni Leyte Rep. Martin Romualdez kasunod ng sampung oras na bakbakan ng tropa ng militar at ASG sa Basilan na ikinasawi ng hindi bababa sa labing walong sundalo at ikinasugat ng mahigit limampung iba pa.

Ayon kay Romualdez, hindi makakamit ang tunay na kapayapaan sa Mindanao kung hindi matutuldukan ang pamamayagpag ng ASG sa rehiyon.

Sinabi ng Kongresista na mahigit dalawang dekada na ang nakalilipas mula nang maghasik ang ASG, pero hanggang ngayon ay patuloy pa rin silang banta sa national security.

Bukod dito, tinatarget din nila ang mga banyaga, kaya hindi maiwasang pinaiiwasan ng kani-kanilang bansa na tumuntong sa Mindanao.

Kung ikakasa naman ng gobyerno ng all-out war, ipinaalala ng Mambabatas na kailangan ding maituloy ang pakikipagkasundo sa MILF at magkaroon ng katanggap tanggap na political arrangement para sa mga rebelde na sakop ng ARMM.

Kasabay nito, hinimok ni Romualdez ang pamahalaan na magpatupad ng socio-development programs sa Mindanao, partikular sa Basilan at Sulu, na kapwa mahirap na mga lalawigan at kilalang kuta ng ASG.

TAGS: all out war, ASG, Cong Martin Romualdez, Mindanao, all out war, ASG, Cong Martin Romualdez, Mindanao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.