Comelec wala umanong kinalaman sa pagkalat ng mga sample ballot
Kasunod ng mga naglabasang larawan na social media na nakahighlight pa ang pangalan ng kandidato. Nilinaw ng Commission on Elections (Comelec) na wala silang inilalabas na sample ballot.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, ang ilalabas lamang nila ay official ballot at ito ay sa mismong araw ng botohan.
Kaugnay nito, pinawi ni Jimenez ang mga pangamba kaugnay ng larawan ng mga sample ballot na ginagamit sa pangangampanya ng ilang tagasuporta ng mga kandidato para turuan ang mga botante
Paglilinaw pa ni Jimenez, ang sample ballot ay hindi nangangahulugan na sample ng orihinal na balota, kundi ito ay peke o mock up ballot na pinamimigay sa kampanya.
Aminado naman si Jimenez na hindi makokontrol ng Comelec ang pagkalat ng sample ballot.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.