Mabagal at hindi sistematikong pamamahagi ng ayuda ikinadismaya ng isang kongresista
Dismayado si Ang Probinsyano Rep. Ronnie Ong sa mabagal na proseso at mahabang pila sa pamamahagi ng ayuda sa mga lugar sa NCR plus na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine.
Ayon kay Ong, patunay lamang ang mabagal na pamimigay ng ayuda na hindi pa rin natututo ang mga awtoridad kahit mahigit isang taon na ang COVID-19 pandemic.
Paliwanag nito, ipinasara ng pamahalaan ang maraming negosyo dahil sa umiiral na lockdown pero hinahayaan naman na lumabas ang mga tao upang kumuha ng ayuda na naglalagay sa kanilang mga buhay sa panganib ng posibleng pagkakahawa ng COVID-19
Base anya sa mga reports na nakararating sa kanya kasama na ang media reports makikita ang hindi maayos na pamamahagi ng ayuda kung saan kasama sa apektado ang mga senior citizen at iba pang mga vulnerable sectors na pumipila ng matagal makakuha lamang ng ayuda mula sa pamahalaan.
“And I thought we are giving this cash aid as a compensation for the ECQ? Why are we allowing people to go out just to get their cash aid? We’ve been in this situation in the past and it seems like we have not realized that chaos is not far behind if we do this system of distribution. It would have been easier and safer for everyone if the cash distribution is done door-to-door, or through virtual banks and virtual wallets, since LGUs already know the names and addresses of their priority target beneficiaries,” saad ni Ong.
Iginiit pa ni Ong, “Natural yan, people need assistance during this hard time kaya dudumugin kahit anong pila. Recipe for disorder yan. Andiyan pa yung maraming cases kung saan pumila ka na nga umaga hanggang gabi tapos hindi ka pala kasali sa listahan or hindi ka nabigyan dahil ubos na daw o may ibang priority ang barangay.”
Samantala, ikinatuwa naman ng mambabatas na mayroong mga local government unit ang namahagi ng ayuda ng door-to-door at sumusunod sa pinapairal na health protocols.
Dahil anya sa kabiguan ng ibang mga LGU na magkarooon ng maayos na sistema sa pmamahagi ng tulong dapat manghimasok na ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) upang lumikha ng sistema sa pamamahagi ng ayuda.
“The key to survive this pandemic is to be able to adapt and learn from our past mistakes. This ECQ part 2 showed us that we did not seem to have learned anything from the first ECQ. Seeing this long queue of people waiting for their turn to get a measly P1,000 is completely unacceptable,” dagdag ni Ong.
Dapat din anyang bigyan ng disciplinary action ang mga government officials na malinaw naman na nagdadagdag pahirap sa mga tao at hindi sumusunod sa social distancing at iba pang health and safety protocols.
“Many or our nurses, doctors and other health care professionals are now trying their best to avoid working in Covid facilities because of the tremendous risk that they have to deal with. Sana naman suklian natin ang sakripisyo nila sa pamamagitan ng maayos at hindi naaantalang pagbibigay sa kanilang special risk allowance,” sabi pa ni Ong.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.