Pag-angat ng mga kalaban nina Mar Roxas at Leni Robredo sa survey, inismol ng Palasyo
Binalewala ng Malakanyang ang patuloy na pangungulelat ng mga manok ng administrasyon sa pinakahuling survey.
Sa resulta ng latest survey ng Social Weather Stations (SWS), nangunguna sina presidential candidate Davao City Mayor Digong Duterte at vice presidential candidate Sen. Bongbong Marcos habang pumapangatlo pareho sina administration standard bearer Mar Roxas at rep. Leni Robredo.
Iginiit ni Communications Secretary Sonny Coloma na ang totoong survey ay sa ang magaganap sa Mayo a nuebe.
Ayon kay Coloma, ipapaubaya nila sa mga botante ang pagbusisi at pagpili sa mga kandidato base sa trak record, plataporma at pagkatao ng mga ito.
Una nang sinabi ni Pangulong Aquino na kumpiyansa siya na makakahabol sa mga survey sina Roxas at Robredo habang lalong nakikilala ng mga tao ang mga kandidato.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.