‘Walang cover-up sa Kidapawan dispersal investigation’-PNP Chief

 

Inquirer file photo

Tikom pa rin ang bibig hanggang ngayon ni PNP Chief PDGen Ricardo Marquez sa  isyu ng madugong pagbuwag ng mga pulis sa mga  nag-rally na mga magsasaka kamakailan sa Kidapawan City.

Paliwanag ni Marquez, mas makabubuti umanong mapasakamay muna niya ang kumpletong resulta ng imbestigasyon para maging patas ang kaniyang magiging pahayag.

Aminado si Marquez na hindi magiging katanggap-tanggap kung magbibigay siya ng mga pananalita habang kasalukuyan pa ring gumugulong ang trabaho ng fact-finding team.

Kasunod nito, tiniyak naman ni Marquez na walang pagtatakpan ang pambansang pulisya sa kasong ito.

Sakali aniyang mapatunayan may pagkakamali o pagkukulang ang mga tauhan ay kakasuhan at papanagutin ang mga ito.

Read more...