Napauwing overseas Filipinos sa bansa, halos 400,000 na – DFA
Tuluy-tuloy pa rin ang repatriation efforts ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa gitna ng pandemya dahil sa COVID-19.
Sa huling tala hanggang April 3, 2021, umabot sa 399,696 overseas Filipinos ang napauwi sa repatriation efforts ng kagawaran.
Sa nasabing bilang, 105,402 ang seafarers habang 294,294 naman ang land-based overseas Filipinos.
Sa nagdaang linggo, 2,225 overseas Filipinos ang nakabalik ng Pilipinas.
Siniguro ng kagawaran na patuloy ang kanilang pagtulong sa mga Filipino na stranded sa ibang bansa dahil sa COVID-19 travel restrictions.
Matatandaang nagsimula ang repatriation efforts ng kagawaran noong Pebrero ng taong 2020.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.