BREAKING: Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, umabot na sa higit 828,000

Higit 9,000 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Huwebes (April 8), pumalo na sa 828,366 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 167,279 o 20.2 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 9,216 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

97.6 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 1.2 porsyento ang asymptomatic; 0.29 porsyento ang moderate; 0.5 porsyento ang severe habang 0.5 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 60 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 14,119 o 1.70 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 598 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 646,968 o 78.1 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...