Mayor Fresnedi, nabakunahan na rin vs COVID-19

By Angellic Jordan April 08, 2021 - 03:35 PM
Muntinlupa LGU photo

Naturukan na si Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi ng unang dose ng bakuna laban sa COVID-19.

Ito ay ilang araw matapos payagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabakuna sa mgal local chief executive sa mga “high risk” na lungsod.

Bakunang gawa ng AstraZeneca ang ibinigay sa alkalde sa Muntinlupa National HS Tunasan Annex sa bahagi ng Barangay Tunasan.

Kasama ng alkalde ang kaniyang maybahay na si Tita Lor Fresnedi, isa ring senior citizen.

Samantala, sinabi ng Muntinlupa City government na karagdagang 8,400 vials pa ng Sinovac mula sa NVOC ang dumating sa lungsod.

Muntinlupa LGU photo

TAGS: AstraZeneca, COVID-19 vaccination, Inquirer News, Mayor Jaime Fresnedi, Radyo Inquirer news, vaccine rollout, AstraZeneca, COVID-19 vaccination, Inquirer News, Mayor Jaime Fresnedi, Radyo Inquirer news, vaccine rollout

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.