Bilang ng pulis na gumaling sa COVID-19, halos 14,000 na
Aabot sa 194 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Huwebes ng gabi (April 8), 16,614 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.
Sa nasabing bilang, 2,596 ang aktibo pang kaso.
142 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 13,978 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.
Wala namang napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.
Bunsod nito. 40 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.