Panibagong oil price rollback, epektibo ngayong araw

By Kathleen Betina Aenlle April 12, 2016 - 04:48 AM

PHILIPPINES-CHINA-DIPLOMACY-MARITIME-OILMay kaltas sa presyo ng kani-kanilang mga produkto ang mga kumpanya ng langis ngayong araw ng Martes, April 12.

Epektibo simula kaninang 12:01 ng hatinggabi, ibinaba ng Petron, Seaoil, Eastern Petroleum, at Flying V ang presyo ng kanilang gasolina ng 70 centavos kada litro, 50 centavos naman sa kada litro ng diesel.

Ang Petron, Seaoil at Flying V naman ay may 55 centavos na kaltas sa kerosene sa parehong oras.

Parehong halaga rin ang ibababa ng Shell, Phoenix Petroleum at PTT Philippines pero mamayang alas-6 pa ng umaga ito magiging epektibo.

Ayon kay Energy Sec. Zenaida Monsada, sinusunod lamang nila ang galaw ng presyo sa pandaigdigang merkado.

Mas malaki pa aniya sana ang rollback ngunit inaasahang magaganap na ang pagpupulong sa pagitan ng mga OPEC at non-OPEC countries kaugnay sa panukalang pansamantalang pagpapatigil ng produksyon ng langis.

April 17 kasi ang inilabas na target date ng mga bansang ito na gaganapin sa Qatar, at layon nito na makontrol ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.