Batay sa monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG), nakapagtala ng kabuuang 13,976 na outbound passengers sa mga pantalan habang 12,160 inbound passengers.
Ito ay mula 6:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali, araw ng Huwebes (April 8).
Nasa 2,026 naman ang itinalagang PCG personnel sa mga pantalan.
Base pa sa datos, 265 ang inspected vessels at 310 ang inspected motorbancas.
Pinaalalahanan pa rin ang mga pasahero na manatiling alerto at sumunod sa mga panuntunan sa mga pantalan at sasakyang-pandagat.
Maliban sa maritime security at maritime safety, umaasiste rin ang PCG sa istriktong implementasyon ng health protocols sa gitna ng COVID-19 pandemic.