Oxygen tanks manipis na ang supply sa mga medical supplies store

CHONA YU PHOTO

Nagkakaubusan na ng suplay ng oxygen tank sa Bambang, Maynila.

Ang Bambang ay kilalang lugar na bilihan ng mga medical supplies. Sa pag-iikot ng Radyo Inquirer Online, nabatid na marami ng tindahan ang naubusan na ng suplay ng oxygen tank. Ayon kay Reymond Caracas, isa sa mga tindero, dalawang araw ng walang suplay ng oxygen tank. Mabili aniya ngayon ang oxygen tank dahil sa dami ng mga pasyente na tinatamaan ng COVID-19 at nahihirapang huminga. Hindi  naman aniya tumaas ang presyo ng oxygen tank at nanatili  sa P4,000 hanggang P4,400 ang bawat 20 pounds na tangke. Sinabi pa nito na hindi pa alam kung kailan sila muling magkakaroon ng suplay ng oxygen tanks.

Read more...