Oxygen tanks manipis na ang supply sa mga medical supplies store

By Chona Yu April 08, 2021 - 01:05 PM
CHONA YU PHOTO

Nagkakaubusan na ng suplay ng oxygen tank sa Bambang, Maynila.

Ang Bambang ay kilalang lugar na bilihan ng mga medical supplies.
Sa pag-iikot ng Radyo Inquirer Online, nabatid na marami ng tindahan ang naubusan na ng suplay ng oxygen tank.
Ayon kay Reymond Caracas, isa sa mga tindero, dalawang araw ng walang suplay ng oxygen tank.
Mabili aniya ngayon ang oxygen tank dahil sa dami ng mga pasyente na tinatamaan ng COVID-19 at nahihirapang huminga.
HindiĀ  naman aniya tumaas ang presyo ng oxygen tank at nanatiliĀ  sa P4,000 hanggang P4,400 ang bawat 20 pounds na tangke.
Sinabi pa nito na hindi pa alam kung kailan sila muling magkakaroon ng suplay ng oxygen tanks.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.